(2 pang biktima naka-confine, 2 suspek lumutang) 2 PMA OFFICERS SINIBAK  DAHIL SA HAZING

Darwin Dormitorio

DALAWANG military officers ang sinibak dahil sa naganap na hazing na ikinasawi ng 4th class cadet na si Darwin Dormitorio sa Philippine Military Academy Cadet sa Fort Gregorio del Pilar, Baguio City.

Ito ay kasabay ng paglutang na may dalawa pang kadete na biktima rin ng hazing ang kasalukuyang naka-confine sa hospital habang may dalawa pang upper classmen ng nasa­wing 4th class cadet ang posibleng mapabilang sa nauna ng tatlong kadete na itinuturing ngayong mga suspek.

Inihayag kahapon ni PMA spokesman Maj. Reynan Afan na isang Senior tactical officer na may ranggong major at isang company tactical officer na may ranggong captain ang ni-relieved.

Nilinaw ni Afan na hindi naman nangangahulugan na sangkot ang dalawang military officers sa hazing kaya sila sinibak. “Since they are the ground commanders sa company level sila yung narelieve for us to have a better or impartial investigation po.”

Nabatid din na may nadagdag pang dalawang person of interest na may kaugnayan sa pagkamatay ni Dormitorio habang pitong kadete ang itinu-turing na witnesses.

Samantala, kinumpirma ni BGen Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang dalawa pang kadete na hinihinalang biktima rin ng hazing kasalukuyang nasa pagamutan dahil sa iniindang injuries. VERLIN RUIZ

Comments are closed.