(2 pang heneral may bagong puwesto) RIGODON SA PNP NAGPAPATULOY

Archie Gamboa

CAMP CRAME – NAGPA­TULOY ang rigodon o revamp sa Philippine National Police (PNP) at ang pinakahuli ay ang pagtatalaga ni Officer-In-Charge PNP Lt. Gen. Archie Gamboa sa dalawang heneral sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila at sa Mindanao.

Ini-appoint ni Gamboa si BGen. Rolando Anduyan bilang  Acting Regional Director ng Police Regional Office 10 kapalit ni PBGen Rafael Santiago.

Habang si BGen. Ronaldo Genaro Evangelista Ylagan ay itinalaga sa Acting District Director sa Northern Police District.

Itinalaga rin ni Gamboa si PCol. Danilo Pepino Macerin bilang Acting Chief Regional Staff sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Pahayag ni Gamboa na ang huling reorganization sa PNP ay bahagi ng kanyang pagpapatuloy na reporma sa kanyang panunungkulan.

“This move sustains our campaign to reform the entire organization, as well as our drive against illegal drugs, cri­minality, and lawless violence,” ayon pa kay Gamboa. EUNICE C.

One thought on “(2 pang heneral may bagong puwesto) RIGODON SA PNP NAGPAPATULOY”

Comments are closed.