2 PANG PULIS SA CAINTA DOUBLE MURDER SUMUKO

LAGUNA- BOLUNTARYONG sumuko kahapon sa pulisya ang dalawa pang pulis na kabilang 20 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pagpatay sa personal aide ni Glenn Chiong at kasama nito noong Disyembre 10, 2018 sa Cainta, Rizal.

Sa report ni Rizal PNP provincial director Col. Dominic Baccay kay Calabarzon PNP director BGen Antonio Yarra, kinilala ang dalawa na sina, CMS Edgar Opanda Awa-ao at Cpl. Jonel Villas Adin, kapwa mga dating miyembro ng Cainta PNP.

Sinabi ni Baccay na kusang sumuko sina Opanda at Awa-ao nang malamang sumurender sa pamumuan ng Bicol PNP ang sampu iba pa nilang kasamahan.

Umaasa ang dalawang suspek na mabibigyan sila ng korte ng sapat at pantay na pagpapaliwanag sa tunay na naganap na barilan na apat na taon na ang nakararaan.

Matatandaan na namatay sina Richard Red Santillan at kasama nito nang makipagbarilan ng mga pulis.
Base sa report ng pulisya, shootout ang nangyari subalit sa masusing imbestigasyon ng NBI ” rub out” ang naganap.

Tumagal ang naturang kaso nang magtago ang mga sangkot na pulis. ARMAN CAMBE