2 PANG TULAK NADALE SA BUY BUST

drug pusher

BULACAN – SUMAMPA na sa sampung tulak ng droga ang napatay sa Bulacan  pagpasok ng taong 2019 makaraang dalawang magkakutsabang shabu pusher ang napas­lang nang piliing manlaban kaysa mahuli ng buhay ng pulisya sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte (SJDM) City.

Kinilala ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Police Director, ang napatay na suspek na sina Rommel Ferrer ng Brgy.  Towerville/Graceville, SJDM City na kabilang sa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC); at isang alyas Boboy na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Ang suspek na si Ferrer ay kumpirmadong siyang  tulak ng droga sa kanilang lugar at kalapit-barangay kung saan nakatakas ito noong Disyembre sa isang buy bust operation sa nasabi ding lungsod bago muling kumagat sa anti-illegal drugs operation ng awtoridad.

Nabatid kay Supt. Orlando Castil Jr, hepe ng SJDM City PNP, dakong alas-5:30 ng hapon nang magkasa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng kanilang tanggapan sa Barangay Graceville at kanilang tinarget ang suspek na si Ferrer at kasama nito na kumagat sa kanilang entrapment.

Ngunit nakatunog ang dalawang suspek na kapwa bumunot ng baril at nagpaputok sa awtoridad kaya napilitan silang dumipensa at kapwa napatay ang dalawang suspek at makuha sa kanilang pag-iingat ang anim na pakete ng shabu, dalawang caliber 38 revolver at mga bala bukod pa sa buy bust money. A. BORLONGAN

Comments are closed.