2 party ni Kai Gutierrez parehong bongga

DALAWANG  bonggang birthday party ang magkahiwalay na ibinigay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang bunsong anak na si Kai. Kaya lang, wala si Sarah sa Minecraft-themed birthday party na inayos nya, at wala naman si Richard sa party na inayos ni Sarah.

Alam naman ng lahat na hiwalay na silang mag- asawa kaya hindi kataka-takang hindi sila nagkikita.

Anim na taon na si Kai noong Marso 21, at nagsagawa ng party si Richards para sa kanya noong Marso 23 sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa City. Dinaluhan ito ng buong Gutierrez family, kasama na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Syempre, naroon din si Ruffa Gutierrez. At syempre rin, hindi mawawala si kuya Zion.

Isa ring Minecraft-themed birthday celebration ang inihanda ng Lahbati Family para kay Kai na ginanap naman noong Marso 24, na ang mga bisita ay ang buong Lahbati family sa pangunguna ni Esther Lahbati na nanay ni Sarah.

Okay din pala kapag hiwalay ang parents, nagiging dalawa ang birthday party. NLVN