COTABATO-DALAWANG lalaki ang nasawi ng dahil sa Rido o alitan ng mga angkan habang isa pa ang malubhang nasugatan nang paulanan sila ng bala habang natutulog sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Cotabato PNP, sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng mga biktima sa Sitio Tubak Barangay Pagangan, Aleosan, Cotabato.
Base sa salaysay ni Guiaria Palencia, kamag-anak ng mga biktima na pawang mga magsasaka, nilusob umano sila ng isang grupo habang sila ay natutulog at pinagbabaril na agad na ikinamatay ng anak nito at pamangkin habang isa ang nasugatan.
Akusa pa ng mga naulila na bago tumakas ay tinangay pa ng ng mga suspek pa ang kanilang pera na nagkakahalaga ng P60,000 na mula pa napagbentahan ng kanilang mais at isang M14 armalite rifle.
Agad namang rumesponde ang mga kamag anak ng mga biktima na mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngunit nakatakas na ang mga suspek.
Nananawagan ngayon ang mga residente sa Sitio Tubak sa mga kinauukulan na agarang maaksyunan ang nangyaring insidente upang hindi na dumanak pa ng dugo sa kanilang lugar. VERLIN RUIZ