Mga laro ngayon:
Ynares Sports Arena -Pasig
3 p.m. – Phoenix vs. NorthPort
6 p.m. – Alaska vs. Magnolia
IPINAGPALIBAN ng Philippine Basketball Association (PBA) ang dalawang laro na nakatakda ngayong araw makaraang magpositibo sa COVID-19 ang apat na players.
Sa anunsiyo ng PBA, kinansela ang nakatakdang laro ng Terrafirma Dyip at Alaska Aces, at ng TNT Tropang Giga at Magnolia Hotshots Pambansang Manok alinsunod sa health and safety protocols ng liga.
“Four TNT Tropang Giga players have returned tests that were either positive or need to be confirmed for COVID-19 under government approved league protocols,” pahayag ng PBA sa isang statement.
“They are now isolated and will be tested again. The rest of the team who tested negative are also isolated and will be retested,” dagdag ng liga.
Negatibo sa COVID-19 ang buong Terrafirma team ngunit sila ang huling koponan na nakaharap ng TNT nitong Hulyo 17. Naka-isolate din sila at muling isasailalim sa test.
Binago ng PBA ang iskedyul ng mga laro kung saan magsasagupa ang Phoenix Super LPG Fuel Masters at NorthPort Batang Pier sa alas-3 ng hapon, habang magsasalpukan ang Alaska Aces at Magnolia Pambansang Manok Hotshots sa alas-6 ng gabi.
Ang Alaska at Magnolia ay kapwa may 1-0 kartada, habang ang Phoenix at NorthPort ay kapwa nabigo sa kanilang unang laro. CLYDE MARIANO
193821 687863Yay google is my king aided me to find this wonderful web site ! . 800552
486394 519130There is noticeably plenty of cash to comprehend about this. I suppose you created certain nice points in functions also. 223197
139493 15179Reasonably unusual. Is likely to appreciate it for those who add forums or something, web site theme . a tones way for your customer to communicate. Excellent task.. 386536