2 PEKENG MEDIA HULI SA ROBBERY EXTORTION

trece martires

CAVITE – ARESTADOBLL ang dalawang pekeng media personality sa kasong robbery extortion sa entrapment operations ng mga awtoridad sa bahagi ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art. 294 (Robbery Extortion) at Art. 177 (Usurpation of Authority) ang dalawa na pawang babae.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang PDEA identification, media ID, at ang P2, 940.00 na sinasabing winidraw sa Smart Padala mula sa pamilya ng drug suspect.

Ayon sa ulat ng AOCU-CIDG, ang dalawa na miyembro ng Almira Robbery Extortion Group ay nagpapanggap na PDEA intel agent upang biktimahin ang pamilya ng drug suspect na nakakulong kapalit ng paglaya na may operasyon sa NCR at Region 4A.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng imoormayon ang CIDG-Cavite kaugnay sa modus ooerandi ng mga suspek kata ikinasa ang entraoment operation sa pakikipagtulungan ng mga operatiba ng AOCU-CIDG, Naval Intelligence Service Force at PDEA Intelligence and Investigation Service Counter Intelligence Service Division.

Kaagad na nasakote ang mga suspek sa kasong Art. 294 (Robbery Extortion) and Art. 177 (Usurpation of Authority) of RPC.

Nangangalap pa ng ibang impormasyon sa iba pang miyembro ng mga susoek kabilang na ang kanilang lider na nag isyu ng PDEA ID at Media identification na may petsang Dec. 7, 2021. Mhar Basco