NUEVA ECIJA – MAYROONG dalawang persons of interest sa pagpatay kay Father Richmond Nilo noong Linggo habang nagmimisa sa loob ng kapilya sa Brgy Mayamot, Zaragosa.
Ito ang iniulat ni PRO 3 Regional Director Csupt. Amador Corpuz kay PNP Chief DG Oscar Albayalde matapos ang pagbuo ng Special Investigation Task Group para sa mabilis na paglutas sa kaso ng napatay na pari.
Personal na nagtungo si Albayalde sa Zarargosa Police Station matapos dumalo sa Independence Day celebration sa Kawit, Cavite para kumuha ng updates sa ongoing investigation.
Iprinisinta ni Corpuz sa PNP Chief ang CCTV footage na nakuha mula sa barangay hall malapit sa kapilya kung saan nagmimisa si Fr. Nilo sa panahon na naganap ang krimen.
Kita sa CCTV ang dalawang riding in tandem na patungo sa direksiyon ng kapilya at pabalik sa pinanggalinang direksiyon makalipas ang ilang minuto, sa panahon na nabaril ang pari.
Ang dalawa ay itinuturing na persons of interest na ngayon ng PNP at subject ngayon ng isang manhunt. EUNICE C.
Comments are closed.