2 PH BOXERS PASOK NA SA SEA GAMES

PH BOXERS

SA MASUSING pagsala ay dalawang boksingero pa lamang, sa katauhan nina Eumir Felix Marcial at Filipino-British John Tupas Marvin, nagkuwalipika para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Ang pagpili ay isinagawa ng coaching staff sa tulong ni Australian boxing consultant Donald Admintt. Sa kasalukuyan ay sumasailalim pa sa matinding pagsubok ang iba pang aspirants na naghahangad na makapaglaro sa biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Si Admintt ang coach ni dating world champion Jeff Horns na tumalo kay boxing icon at fighting Senator Manny Pacquiao.

Si Marvin ay lalaban sa 81 pounds, habang si Marcial ay sasalang sa 78 pounds. Ang dalawa ay parehong SEA Games gold medallists at determinadong bigyan ulit ng karangalan ang bansa.

“Masusi naming sinasala ang kakayahan ng mga aspirant bago ilahad ang official lineup na sasabak sa SEA Games. Gusto namin ‘yun lang malakas, magaling at may kakayahang manalo dahil ang goal namin ay kunin ang overall championship sa bo­xing,” sabi ni coach Ronald Chavez sa pana­yam sa kanya ng PILIPINO Mirror habang naglalakad patungo sa gym ng ABAP.

Sinabi ni Chavez, dating SEA Games gold medalist bago itinalagang boxing coach, na pangangalanan niya ang iba pang boxers matapos ang dalawang international boxing competitions, kasama ang World Boxing Championship na gagawin sa Russia sa huling Linggo ng ­Agosto.

“Hindi pa namin isinumite kay Chief of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ra­mirez ang mga pangalan ng mga boxer dahil sasali pa sila sa dalawang overseas boxing competitions,” ani Chavez.

Ang boxing ay isa sa walong National Sports Associations (NSAs) na hindi na nagsusumite ng lineup para sa SEAG.

Sumabak ang mga boxers sa anim na overseas competitions mula noong Marso.

Walong weight divisions sa men at lima sa women ang paglalabanan sa boxing at walang ibang hangad si Chavez kundi ang kunin ang lahat ang ginto para lahat ay masaya at muling tanghaling National Sports Association of the Year.

Hindi pa nabobokya ang boxing sa SEA Games at ang pinakamagandang showing ng mga boxer ay noong 1991 edition sa Manila kung saan nanalo ng  medalya ang lahat ng isinabak nito. CLYDE MARIANO

Comments are closed.