DALAWANG koponan ang kakatawan sa Filipinas sa FIBA 3×3 Haining Challenger ngayong weekend sa China.
Ang Bataan Risers, na tatawaging Balanga Chooks, at ang Basilan Steel, na magiging Isabela Chooks ang pangalan, ay lalahok sa torneo, isang qualifier para sa FIBA World Tour Montreal Masters.
Ang Balanga ay seeded sa main tourney, kung saan nakagrupo ito sa powerhouse Liman at Sosnovy Bor sa Pool A.
Samantala, ang Isabela, na gumagawa ng ingay sa idinadaos na Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 Patriots Cup, ay maglalaro sa qualifying pool, kasama ang Mongolian sides Sukhbataar at Taikhar kung saan ang top finisher ang kukumplerto sa Pool C, na kinabibilangan na ng Russian teams Gagarin at Moscow Inanomo.
Sa kabila ng late notice, hindi nagdalawang-isip si Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 owner Ronald Mascariñas na tanggapin ang imbitasyon sa tulong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagpapatuloy ng kampanya ng Filipinas para sa isang puwesto sa inaugural Summer Olympic 3×3 event sa Tokyo sa susunod na taon.
“We were only invited to the tournament with just (a) one-week notice. But we need to join this tournament to continue to gather more points for the country,” ani Mascariñas.
Binigyan din ng formal send-off noong Huwebes ng gabi ang Pasig Grindhouse Kings, na maglalaro sa susunod na weekend sa Poitiers Challenger sa France, isang qualifying tournament para sa Lausanne Masters. PNA
Comments are closed.