DALAWANG beses naitala ang pag-usok o Phreatomagmatic burst sa main crater ng Taal Volcano sa Batangas kahapon ng madaling araw.
Batay sa seismic signals, ang unang phreatomagmatic ay alas 1:46 ng madaling araw na tumagal ng isang minute habang ang ikalawa ay 2:54 ng madaling araw na nagtagal ng dalawang minute.
Ang Phreatomagmatic ay magkahalong magma at water.
Batay sa thermal camera monitoring, ang dalawang pagbuga ay nagdulot ng usok na aabot sa 400 hanggang 500 meters high.
“There have been three phreatomagmatic bursts since November 15, and are likely driven by fracturing and gas release from resting magma beneath the Taal Volcano Island,” ayon sa PHIVOLCS..
Nananatili naman ang Alert Level 2 sa lugar para pag-ingatin ang mga residente roon. EC