NAKATAKDANG iuwi sa bansa ang labi ng dalawang Pinay workers na namatay sa pagsabog sa isang restaurant sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA),inihahanda na ang repatriation sa dalawang Pinay makaraan payagan ng mga awtoridad sa nasabing bansa.
Kabilang ang dalawang Pinay sa mga namatay mula sa “gas explosion” sa isang kainan sa isang gusali sa Rashid bin Saeed Street ng nasabing bansa.
Ayon sa mga awtoridad,isa sa mga nasawi ay dumadaan lamang sa lugar ng tamaan ng debris malapit sa lugar na pinangyarihan.
Nakipag-ugnayan na rin ang embassy officials at regional representatives mula DFA at DOLE sa pamilya ng nasawing OFWs.
Binisita ng DFA-DOLE composite team ang pamilya ng isa sa nasawi habang nakipagkita naman si Ambassador Hjayceelyn Quintana sa asawa at kapatid ng isa pang Pinay na namatay din sa insidente.
Isinasaayos na rin ng embahada ang viewing ng pamilya sa mga labi ng dalawang OFWs gayundin ang pagbibigay tulong sa naiwang pamilya ng mga ito. LIZA SORIANO
Comments are closed.