2 PINAY NURSES NASAWI SA CAR CRASH

CAR CRASH

AUSTRALIA – DALAWANG Filipino nurse ang nasawi sa car crash sa bansang ito.

Agad namang nakiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa  pamilya ng mga biktima.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, ipinapaabot nila ang pakikisimpatiya at panalangin sa mga naulilang kaanak ng dalawang Pinay na nasawi sa trahedya kahapon.

Batay sa report ni Philippine Ambassador to Australia Minda Cruz, nasugatan din sa aksidente ang mister, tatlong anak at isa pang kamag-anak ng isa sa nasawing nurse.

Ang mga biktima ay sakay ng Dodge Journey nang bumangga sa isang Toyota Land Cruiser sa highway ng Wallaroo, isang oras na biyahe ang layo mula Canberra.

Napag-alamang papunta ang mga biktima sa Melbourne para dumalo sana sa isang religious event ng El Shaddai. PMRT

Comments are closed.