2 Pinay transgenders magkalaban sa Miss International Queen 2024

Magtutunggali ang dalawang Pinay transgenders na sina Sophia Nicole Arkanghel at Kataluna Patricia Enriquez sa Miss International Queen 2024 na gaganapin sa Pattaya, Thailand ngayong Agosto.

Irerepresenta ni Sophia Nicole ng Kalayaan, Laguna ang Pilipinas matapos talunin ang 32 pang transgenders na sumali sa contest habang representative naman si Kataluna ang United States. Ang 29-year-old Filipino-American transgender beauty queen na si Kataluna ang isa sa mahigpit na makakalaban niya. Si Kataluna rin ang kauna-unahang Filipino-American transgender woman na kinoronahang Miss Nevada USA noong 2021 at naging official delegate ng State of Nevada sa 70th Miss USA noong 2021.

Unang sumali si Sophia Nicole sa Miss International Queen Philippines noong 2023, ngunit natalo siya ni Lars Pacheco.

Miss International Queen ang pinakamalaking beauty pageant ng mga transgenders na babae sa buong mundo.

Itinatag ito noong 2004 at kinilalang pinakaprestihiyoso sa kanyang larangan. Ang transgender woman ay taong ipinanganak na lalaki kaya sa birth certificate, ang kanyang gender ay lalaki – ngunit sa kanyang pakiramdam at puso ay isa siyang tunay na babae. Trans ang short cut ng salitang transgender. Kadalasang nagkaklaroon ng gender dysphoria ang isang transgender. Ito ay isang problemang kung saan nagkakaroon ng “unease o dissatisfaction” ang transgender, dahil sa pagkakaiba ng kanilang biological sex at gender identity. NLVN