2 PINOY GALING ISRAEL LIGTAS NA NAKATAWID SA JORDAN

DALAWANG  Pilipino na lumikas mula sa West Bank ang nakatawid sa Jordan ilang araw makalipas na ideklara ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa lugar noong Oktubre.

Sa tulong ng Philippine Embassy sa Amman at Migrant Workers Office sa Jordan, natulungan ang dalawa na makarating ng Jordan.

Ang misyon ay pinangunahan ng Philippine Embassy sa Amman at Migrant Workers Office (MWO) kasama ng kanilang Foreign Recruitment Agency (FRA) sa Amman.

Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, nitong buwan ng Oktubre ay pinaghanda na ang mga Pilipino sa West Bank sa paglikas dahil na napipintong kaguluhan dahil sa pambobomba ng Israeli forces sa Gaza strip na Palestinian territory na nasa ilalim ng Israeli occupation.

Nasa 123 Pilipino ang naninirahan sa West Bank, ang iba ay kasal sa mga Palestino.