KINIDNAP ng mga armadong militanteng Islamist ang tatlong Filipinong technician at isang Korean sa isang water plant sa Libya.
Kinidnap din ng grupo ang ilang manggagawang Libyan sa pagsalakay sa Al-Hassouna plant, malapit sa Ishwirif, subalit pinalaya rin ang mga ito.
Kinumpirma ng Great Manmade River Project ang pagdukot sa mga biktima at humiling sa agarang pagpapalaya ng mga ito.
Ang mga hindi pa pinangalang biktima ay nagtatrabaho bilang technician sa nasabing planta.
Kinumpirma rin ang presensiya sa lugar ng militanteng Islamist na konektado sa al Qaeda at Islamic State.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon o impormasyon na inilalabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat ng kidnapping.
Comments are closed.