PATAY ang dalawang Pinoy makaraang makalanghap ng nakalalasong gases sa isang sunog sa Al Adan, Kuwait noong nakaraang December 2, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
According to the report, the workers’ cause of death was attributed to the inhalation of non-breathable, toxic gases from the fire,” pahayag ng DMW sa isang statement.
Sinabi ng ahensiya na inaayos na ng Migrant Workers Office (MWO) sa Kuwait ang repatriation ng mga labi ng mga biktima.
“The MWO is also facilitating the processing of documents for the repatriation of human remains to the Philippines.”
Sinabi pa ng DMW na binisita na ng regional office nito sa Western Visayas ang pamilya ng mga biktima sa Capiz at binigyan ang mga ito ng financial assistance.
“The Department of Migrant Workers extends its heartfelt condolences to the grieving families and assures them of its full support,” anang ahensiya.