2 PINOY SWIMMERS SABAK DIN SA TOKYO OLYMPICS

Remedy Rule and Luke Gebbie

PUMALO na sa 19 ang bilang ng Pinoy athletes na sasabak sa nalalapit na Tokyo Olympics makaraang magkuwalipika sina swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie sa prestihiyosong sports meet.

Inanunsiyo ng Philippine Swimming Inc. kahapon na iginawad sa dalawang tankers ang inilaang universality places, ayon sa Fédération Internationale de Natation (FINA), nang tumapos sila bilang top ranked male at female swimmers ng bansa kasunod ng kanilang performance sa qualifying window.

Si Gebbie, nakalikom ng 828 FINA points, ay lalahok sa 50m at 100m freestyle, habang si Rule ay sasabak sa 200m butterfly at 200m freestyle events matapos na makatipon ng 830 FINA points.

Nakatakda ang swimming competition sa Tokyo, Japan sa July 24-August 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *