2 POLICE GENERALS, 2 PA PINASISIBAK NG 5-MAG

INAMIN ni dating Philippine National Police (PNP) Chief, at ngayon ay Retired Gen. Rodolfo Azurin Jr. na inirekomenda ng 5-Man Advisory Group (5MAG) sa National Police Commission (NAPOLCOM) na tanggapin ang courtesy aresignation o alisin sa serbisyo ang dalawang heneral at dalawang colonel na nakitaan ng kaugnayan ng sa droga.

Inirekomenda rin ng 5MAG na kasuhan ng kriminal at administratibo ang apat.

“We recommended it and hopefully Chief PNP Acorda will sustain our efforts on this. It’s now with NAPOLCOM on how they will deal with out recommendations,” ayon kay Azurin.

Si Azurin ay miyembro ng 5MAG na sumala sa 953 courtesy resignations ng mga 3rd level officers haban 917 ang denied o hindi tinanggap ang pagbibitiw.

Tatlumpu’t anim naman ang “for further investigation” ng Napolcom.

Sa isang panayam kay si PNP Chief, Gen. Benjamin Acorda, tumanggi muna siyang pangalanan ang mga opisyal na inirekomendang kasuhan at alisin sa serbisyo dahil ayaw nitong pangunahan ang NAPOLCOM at Department of Interior and Local Government (DILG).

“I am giving the assurance that all those personnel who are involved in this fiasco will be properly charged, appropriately charged administratively and criminally at pipilitin natin na sila ay matatanggal sa serbisyo,” ayon kay Acorda.

Bukod sa mga third level officer, hindi rin umano palulusutin ni Acorda ang mga junior officer na dawit din sa droga.

“Well in the investigation of the SITG (Special Investigation Task Group) and maybe in the fact-finding na ginagawa ng NAPOLCOM and pag-iisahin namin ito, definitely may makakasuhan dito sa mas mababang level,” dagdag pa ni Acorda. EUNICE CELARIO