2 POLICE OFFICIALS SIBAK SA MALAYAO KILLING

Randy Felix Malayao-2

NUEVA VIZCAYA – SINIBAK sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde  ang dalawang police officials sa lalawigang ito makaraan ang pagpaslang kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Consultan Randy Malayao.

Paliwanag ni Alba­yalde,  may pagkukulang  sa pagpapatupad ng security procedure sina Sr. Supt. Jeremias Alugud, provincial director ng Nueva Vizcaya Police at Chief Insp. Geovanni Cejes, chief of police ng Aritao Municipal Police Station.

Sinasabing hindi rin sumunod sa tamang pro­seso ng pagbibigay ng ebidensya ang dalawang  opisyal.

“They were accused of releasing without proper processes, evidence in the case of Malayao”, ayon kay Al-bayalde.

Si Malayao, 49-anyos, ay nagbibiyahe lulan ng bus mula Aritao patungong Santiago, Isa­bela nang barilin ng mga salarin na sumakay sa nasabing sasakyan alas-2 ng madaling araw noong Miyerkoles.    EUNICE C.

Comments are closed.