2 PULIS DINAKIP SA KASONG RAPE AT MURDER

ILOCOS SUR-TRINABAHO ng PNP -Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang dating pulis na sinasabing responsible sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa lalawigang ito.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-IMEG Director Brig Gen. Flynn Dongbo, kinilala ang dalawang nasabing pulis na sina SSg. Marawi Torda at SSg. Randy Ramos.

Ayon kay Dongbo, agad na sinibak sa serbisyo ang dalawa kasunod ng ulat na pinatay nila ang 15-anyos na dalagita matapos na ipagharap sila ng kasong panggagahasa.

Inihayag ni Major Mae Cunanan, tagapagsalita ng PNP-IMEG na naglunsad ng law enforcement operation ang kanilang mga tauhan laban sa mga suspek sa Brgy Bannuar, San Juan, Ilocos Sur.

Base sa ulat ng Ilocos Sur PNP , walang awang pinagbabaril ng mga pulis lulan ng motorsiklo ang dalagita pagkagaling nito sa himpilan ng pulisya upang maghain ng reklamo sa ginawang panggagahasa sa kanya at sa pinsan nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Juan Municipal Police Station ang dalawa para sa kaukulang documentation para sa commitment order at pagbabalik ng warrant of arrest sa nag isyu na kor­te. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “2 PULIS DINAKIP SA KASONG RAPE AT MURDER”

  1. 66930 434651Great day! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any guidelines? 411391

  2. 578504 348378Somebody necessarily help to make seriously articles I may possibly state. That may be the quite 1st time I frequented your internet page and to this point? I surprised with the research you created to make this actual put up amazing. Wonderful task! 474710

Comments are closed.