DALAWA pang pulis kabilang ang may ranggong tinyente na isang beses nabakunahan ng anti-COVID-19 ang nasawi makaraang dapuan ng nasabing virus.
Dahil dito, umabot na sa 84 ang nasasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa magkakasunod na nasawi sa katatapos na linggo.
“It is with a heavy heart that we announced today the death of two more police personnel which bring the total deaths in the PNP to 84”, ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.
Ayon sa PNP Health Service, si Patient 83 ay may ranggong tinyente, 51-anyos at naka- assign sa Tuguegarao City.
Noong Hulyo 23 ay nagpakonsulta ito dahil sa lagnat, body malaise at sore throat.
Sa nasabi ring petsa ay sumailalim siya sa laboratory examination at RT-PCR tests.
Noong Hulyo 25, natanggap niya ang positive result at pinayuhang mag-quarantine. Hulyo 27 ay dumanas siya hirap sa paghinga kaya ginamitan pa siya ng oxygen inhilation.
Hulyo 30 ay lumala ang kondisyon at pagsapit ng alas-4 ng madaling araw ay pumanaw.
Samantala, si Patient 84 naman ay 42-anyos at may ranggong staff sergeant na naka-assign sa Camp Crame at naospital dahil sa kidney malfunction subalit negatibo sa COVID-19.
Noong Hulyo 13 ay isinailalim muli sa RT-PCR test na nagpositibo at pumanaw noong Hulyo 29.
“Lubos po akong nakikiramay sa pamilya ng ating mga namatay na pulis at ano man pong tulong na aming makakaya ay amin pong ipaaabot sa inyo,” ani Eleazar. EUNICE CELARIO
503843 35482I dont agree with this specific article. Nonetheless, I did researched in Google and Ive located out that you are correct and I had been thinking within the incorrect way. Continue producing quality material related to this. 390922