QUEZON CITY – TAGUMPAY ang pagpapanggap ng dalawang pulis nang makaaresto ang mga ito ng tatlong drug pushers sa kanilang buy bust operation sa Brgy. Payatas na sakop ng lungsod na ito.
Kinilala lamang ang tatlong drug suspects sa kanilang mga alyas na sina Marites, Danilo at Renel.
Nang makakuha ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu, agad hinuli ng tatlong pulis na nagpanggap na adik ang mga suspek.
Bukod sa P1,000, nakuha pa sa mga inaresto ang 54 maliliit na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P28,000. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.