2 PULIS NAG-ESCORT SA KANDIDATO BUKING

PULIS

BULACAN – NADISKUBRE ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force na nage-escort ang dalawang police officer sa isang kandidato sa pagka-alkalde sa Marilao na si Ricardo Silvestre.

Ayon kay PNP CITF Chief Police Col. Romeo Caramat, hindi inaresto at ikinulong ang dalawang pulis na sina Police Corporal Gerlie Garcia at Police Patrol Jed Ceril Sevilla dahil administrative case lamang ang kaso ng mga ito.

Nakita ang dalawang pulis na nagbibigay ng security kay Silvestre habang nangangampanya sa Nicanor Guillermo Convention Center, sa Poblacion II Marilao.

Subalit pinagsabihan silang itigil na ang pagbibigay ng security sa kandidato dahil kung hindi ay kakasuhan sila ng paglabag sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte at ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde na manatiling non-partisan.

Samantala, sinibak naman ni Albayalde ang chief of police ng Marilao police station na si Police Col. Ricardo Pangan dahil sa pangyayari. REA SARMIENTO

Comments are closed.