CAMP VICENTE LIM – DALAWANG miyembro ng PRO4A Calabarzon PNP ang sumailalim sa dismissal proceedings matapos magpositibo ang mga ito sa ipinagbabawal na droga.
Ayon sa ulat ni Calabarzon PNP Public Information Officer (PIO) PCapt. Mary Anne Crester Torres, agarang pinasibak sa tungkulin ni Calabarzon Regional Director PBGen. Felipe Natividad ang dalawa nitong tauhan na pawang nakatalaga sa Candelaria at Calamba City Police Station.
Sinasabi sa ulat na nagpositibo ang mga ito sa isinagawang magkahiwalay na random drug testing ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) at ng Regional Intelligence Division (RID) 4A.
Aniya, bahagi ito ng massive PNP Internal Cleansing Program, (the surprise inspection for PNP personnel) alinsunod sa ipinalabas na direktiba ni PNP Chief General Debold Sinas na linisin ang kanilang hanay.
Lumilitaw na isinagawa ang surprise inspection and drug testing ng nasabing opisyal noong nakaraang Enero 4 hanggang 13, kung saan hindi inaasahang magpositibo ang mga ito sa ipinagbabawal na droga.
Bukod sa pagkakasibak sa kanilang tungkulin, nahaharap pa ang mga ito sa Administrative Case of Grave Misconduct and Criminal Charges kung saan kasalukuyang nasa kustodiya ang mga ito ng pamunuan ng Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) Section samantalang hindi pa ipinalabas ni Torres ang kanilang mga pangalan.
“We required all our PRO4A personnel to submit themselves for drug test so that we could identify those who are using illegal drugs”
“Bilang tagapag-patupad ng batas, tayo dapat ang mangunang sumunod sa batas, bago natin ito ipatupad. Aalisin natin ang lahat ng bulok na patuloy na sumisira sa magandang imahe ng PNP” ani Natividad sa kanyang mensahe. DICK GARAY
Comments are closed.