(2 pulis patay, 4 sugatan sa ambus) MASSIVE MANHUNT IKINASA

IPINAG-UTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr, ang massive manhunt sa mga nanambang sa mga pulis nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 14, sa Brgy Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

“The PNP strongly condemns these cowardly attacks on law enforcement personnel and is committed to bringing the perpetrators to justice, pahayag ni Acorda.

Pasado alas-8 ng gabi isang team mula sa PMFC Maguindanao Del Sur, lulan ng PNP marked vehicle ang mga biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang grupo kung saan dalawang pulis ang nasawi at apat ang sugatan.

Pabalik na ang team sa Maguindanao Provincial Police Office Headquarters, Camp Datu Akilan, Shariff Aguak, matapos magsagawa ng routine mobile patrol operations sa lugar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolmen Bryan Polayagan at Saipoden Shiek Macacuna, habang sugatan sina Pat. Arjie Val Loie C Pabinguit, Pat Andulgafor Alib, Ssg Benjie Delos Reyes at Cms Rey Vincent B Gertos na nagtamo ng sugat sa kaliwang panga at sugat sa mukha.

The PNP has mobilized its forces, including the elements of PMFC MDS PPO and 41st SAC-PNP SAF, to launch immediate hot pursuit and clearing operations. We assure the public that no stone will be left unturned in bringing the perpetrators to justice and ensuring the safety and security of our communities,” ani Acorda.

Samantala, hinihimok din ng PNP Chief ang publiko na magkaisa laban sa karahasan at suportahan ang pulisya sa pagsisikap nitong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa.
EUNICE CELARIO