KASABAY sa pagsusumikap na lalo pang mapatatag ang ekonomiya sa kabila ng iba’t-ibang hamong kinakaharap ng bansa, nanawagan ang dalawang ranking official ng Kamara sa lahat ng sektor na isantabi muna ang pulitika at unahin ang pakikipagkaisa at pagtulong sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Ang bansa muna ang unahin natin, bago ang ating mga pulitikal na interes. Malayo pa po ang eleksyon. Yung kapakanan muna ng mga kababayan natin ang atupagin natin,” ang mariing sabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, vice-chairperson ng House Good Government and Public Accountability.
“Our President should be given all the support he needs especially at this time as he continues to work hard in protecting the purchasing power of Filipino families, creating more jobs and providing aid to the poorest of the poor,” dagdag pa ng Mindanoan lawmaker.
Sa panig ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, president ng National Unity Party (NUP) at vice-chairman ng House Committee on Agriculture and Food, ikinalungkot niya ang pagsusulong ng ilang sektor ng mapanirang uri ng pamumulitika.
Nanawagan ang Bicolano solon sa mga nasa likod ng pinakamababang uri ng pamumulitika na tumigil na at sa halip ay tumulong na lamang sa paghahanap ng solusyon na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.
“Sa halip na gumawa ng mga imbentong kwento, magtulungan na lang tayo. Lahat naman tayo ay apektado dito. Tapos na ang panahon ng mga siraan, mga alegasyon na walang basehan at haka-haka lamang. Pagkakaisa ang tamang paraan para malunasan natin ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa,” giit ni Villafuerte.
Samantala, sinabi ni Pimentel na dapat tuluran ng mga political leader ang klase ng pamumuno at work ethics ni Speaker Martin Romualdez, na nagresulta sa record accomplishments ng House of Representatives.
“Another thing that they can learn from the Speaker: He backs his words with tough action. When he warned smugglers and hoarders that the law would catch up on them, he did not just sit down and did nothing after these pronouncements. He joined customs officials in inspecting rice warehouses,” sabi pa ni Surigao del Sur congressman.
Ani Pimentel, maging ang pagtugon ni Romualdez sa ilang kritiko nito ay kahanga-hanga at dapat ding gayahin ng iba lang political leaders.
“When his detractors spoke ill of him, he did not stoop down to their level. He showed strength of character and a high degree of professionalism by ignoring their unfounded allegations and focusing instead on making the House a highly respected and productive institution on his watch,” paglalahad pa niya.
“Mga ganitong lider po ang tularin natin para sama-sama tayong umangat, kaysa maghilahan tayong pababa,” pagtatapos ng kongresista. ROMER R. BUTUYAN