2 REBELDE NA MAY KASONG MURDER HULI

MASBATE -DALAWANG kasapi ngCommunist Party of the Philippines-New People’s Army, National Democratic Front (CNN) ang dakip ng mga tauhan ng PNP-PRO5 sa pamumuno ni Regional Director PBGEN Jonnel C Estomo matapos ang inilunsad na law enforcement operation sa Milagros.

Ayon kay Estomo, nadakip sina Randy Cabarles Hermina at Elias Sinco Albao na kinilalang aktibong kasapi ng Militia ng Bayan ng Larangan 2, Kilusang Partido 4 sa ilalim ng pamumuno ni Ka Luding Tulingan, Secretary General ng Masbate at naninirahan sa Purok 3, Brgy. Matiporon.

Ang mga suspek ay inaresto sa inilunsad na law enforcement operation ng mga elemento ng PNP-PRO5 Regional Intelligence Division-Regional Special Operation Unit 5.

Pakay ng warrant of arrest na inibas ni May Flor D Tabigue -Logarta, Executive Judge ng RTC Branch 44, Fifth Judicial Region, Masbate City, na may petsang April 14, 2021 na may kaugnayan sa kasong naganap sa Brgy l Cabasaan, Aroroy, Masbate noong Enero 2021.

Nabatid na ang mga akusado ay responsable sa pagpatay sa dalawang hindi pa nakikilalang biktima.

Kapwa nagtago ang dalawa at naging kasabwat at supporters ng CTG at ng Kilusan sa loob ng may isang taon na saklaw ng PRO5 RID-RSOU5 sa Purok 3, Brgy Matiporon, Milagros, Masbate. VERLIN RUIZ

6 thoughts on “2 REBELDE NA MAY KASONG MURDER HULI”

  1. 525575 463192An extremely intriguing examine, I may possibly possibly not concur entirely, but you do make some really valid points. 884106

  2. 984906 23049Have you noticed the news has changed its approach lately? What used to neve be brought up or discussed has changed. Its that time to chagnge our stance on this though. 235488

Comments are closed.