AGUSAN DEL SUR- DALAWANG Communist NPA Terrorists (CNTs)/ ang napaslang habang dalawa pa ang nasakote sa inilunsad na tactical operation ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Vertudazo, Brgy San Juan, Bayugan City sa nasabing lalawigan kahapon ng madaling araw.
Bukod sa pagkakaneyutralisa sa dalawang CNTs ay nasamsam din ng tropa ng Army 4ID ang dalawang high powered firearms kasunod ng naganap na sagupaan.
Sa ulat, naglatag ng joint operation ang pinagsanib na puwersa ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) sa ilalim ng pamumuno ng 401st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Rommel Almaria, at 65th Infantry Battalion at 2nd Scout Ranger Battalion (2SRBn) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng 901st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. George Banzon kasunod ng mga sumbong ng mga local resident hinggil sa presensiya ng CPP-NPA sa kanilang lugar.
Ayon kay Almaria, nagkaroon ng 15-minutong palitan ng putok na nag resulta sa pagkamatay ng 2 CNTs at pagkakabawi sa isang M4 Carbine Rifle, isang Modified Carbine Rifle, samut saring bala at mga gamit sa encounter site.
Habang patuloy pa ring tinutugis ang mga tumatakas na CPP-NPA remnants. VERLIN RUIZ