2 RESCUERS NADALE SA CORDILLERA

Ricardo Jalad

CAMP AGUINALDO – DALAWANG res­cuers ang napaulat na nasawi habang nag­liligtas sa Cordillera region sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Ayon kay NDRRMC Executive Director and Office of Civil Defense Administrator Ricardo Jalad, ang pagkamatay ng dalawa ang unang naiulat na casualties sa pananalasa ng bagyo at kabilang sa 51 insidente sa rehiyon.

“Kumpirmado na da­lawa ang patay doon, parehong mga res­ponders na tumugon sa pagligtas ng mga naapektuhan ng bagyo,” dagdag pa ni Jalad. VERLIN RUIZ

Comments are closed.