2 RETIRADONG PARAK TINUTUGIS  SA ‘NAKAW NA SASAKYAN’

carnap

RIZAL – NAGSAGAWA na ng massive hunt ang Highway Patrol Groups (HPG) laban sa dalawang retiradong pulis na protector umano ng mga ninakaw na sasakyan sa Cainta.

Kasunod ito ng isinagawang raid ng HPG sa bodega kung saan itinatago ang mga nakaw na sasakyan.

Ayon kay HPG director Roberto Fajardo, ipinatupad nila ang search warrant matapos ang paglapit sa kanila ng isang biktima ng carnapping.

Pagdating sa lugar ay lumantad sa kanila ang maraming mga sasakyan.

May mga plaka rin ng mga taxi na maaaring ninakaw at ginagamit sa ibang mga sasakyan.

Bukod aniya sa mga dalawang retiradong pulis ay hinahanap na rin ng HPG ang isa umanong financier na siyang nagbebenta ng mga isinanglang sasakyan sa kaniya ng mga natatalo sa sugal. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.