2 RIDERS MINALAS SA KALSADA

riders

ILOILO – DALAWANG motor riders ang nasawi habang kritikal ang dalawang iba pa sa magkahiwalay na vehicular accident sa lalawigang ito.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Jojo Dula, 38-anyos, at Ricardo Opisma Pastolero Jr., 32-anyos.

Una nang tumilapon ang motorsiklo ni Dula matapos bumangga sa jeep habang sugatan ang nakabanggang jeepney driver na si Zoe Gubito.

Tinangkang mag-overtake ni Dula mula sa sasakyan ni Gubito pero nawalan umano ito ng balanse hanggang mabangga at mahulog sa kanal ang jeep.

Nalaglag mula sa jeep si Mary Ann Delos Reyes na kritikal ang lagay sa ospital.

Samantala, bumangga rin ang motor ni Pastolero sa isang pribadong sasakyan sa bayan ng Zarraga.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Pastolero at idineklarang dead on arrival.

Ligtas naman ang driver ng nabunggo ni Pastolero na si Patrick Palmares. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.