2 SA DRUG SUSPECTS ARESTADO SA BISA NG SEARCH WARRANT SA QC

QCPD ARRESTED

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., ang dala­wang suspek na sangkot sa kasong paglabag sa RA 9165 matapos maglabas ng search warrant ang Anonas Police Station (PS 9) at marekober mula sa mga ito ang 16 na pakete ng  shabu.

Ayon kay PCSupt. Esquivel, arestado na ng mga tauhan ng PS 9 sa ilalim ni PSupt. ­Cipriano Galanida ang mga suspek na sina Willy Santos Jr, 32, ng No. 43 Salvador St., Brgy. Krus Na Ligas, at Allan De Dios, 50, ng No. 10-A Angeles St., Brgy. Krus Na Ligas, sa  buy bust operation at kala-kip ng paghain laban sa mga  ito ang bisa ng service of search warrant ni Honorable Judge ­Angelene Mary W. Quimpo-Sale of QC RTC Br. 106 bandang alas-3:50 ng hapon kamakalawa sa bahay ni Santos.

Bukod sa marked money na ginamit sa operation, nakuha rin mula sa mga ito ang 17 pakete ng shabu at ang digital weighing scale na gamit ng mga suspek sa ilegal na aktibidad.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive drugs act 2002.    PAULA ANTOLIN

Comments are closed.