2 SANGAY NG COSMETIC DISTRIBUTION FIRM ISINARA NG FDA

FDA PERMIT

ISINARA ng Food and Drug Administration ang 2 branches ng Misumi Direct Sales Cosmetics Distribution firm dahil sa pagbebenta ng unregistered at mislabeled beauty and skin-whitening products.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, maliban sa closure ng nabanggit na distribution firm, magmumulta pa ang may-ari nitong si Donnah Mae Martinez-Miranda ng P3.2 million.

Kabilang sa mga permanently close na sangay ng Misumi Direct Sales cosmetics distribution firm ay matatagpuan sa #25 Maya Avenue, Okinari Bldg., Marville Park Subdivision, San Roque, Antipolo City; at Unit 11, 2nd Flr., Vastland Bldg., McArthur Highway Cor. Topaz St., Matina, Davao City.

Paliwanag ni Puno, kabilang sa mga nasabat na skin-whitening products mula sa 2 MDS branches ay 34 na unregistered at po-tentially hazardous cosmetic products.

Nahaharap ngayon ang may-ari nito sa paglabag sa Republic Act 9711 o ang Food and Drug Administra-tion Act of 2009.

Comments are closed.