MATAPOS ilunsad ng PNP-Highway Patrol Group ang pagtugis at paghuli sa mga sasakyan na mayroong plakang number 8, dalawang sasakyan na may ganitong plaka ang kanilang nahuli.
Nasa kustodiya ng HPG ang Ford Expedition at isang Chevrolet na nakumpiska sa Pasig City.
Ang mga sasakyan ay inirereklamo ng mga opisyal ng barangay dahil sa kalsada ito ipinaparada.
Ang isa sa mga sasakyan ay nakitaan pa ng blinkers at wang-wang ng HPG na ipinagbabawal ikabit sa mga pribadong sasakyan.
Ayon sa HPG, tanging emergency vehicles lang ng gobyerno ang puwedeng lagyan ng wang-wang at blinkers.
Ang Chevrolet naman ay may nakadikit na sticker ng seal ng Office of the President.
Nakikipag-ugnayan na ang HPG sa may-ari ng mga sasakyan na pagmumultahin at tatanggalan din ng blinkers at protocol plates ang dalawang SUV.
Comments are closed.