SULU – NASAWI ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group nang isalba ng militar ang dalawang babaeng pulis kasunod ng paglaya ng isa pa noong Martes.
Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Foce Sulu, na¬kaengkuwentro ng mga Special Forces Troopers ang ASG sa Brgy. Lagasan, Parang bandang ala-1:30 ng hapon.
Nang matunton ang kanilang pinagtataguan ay nagkapalitan sila ng putok na tumagal ng 40 minuto.
Napatay ng mga tauhan ni Capt. Tagure na siyang namumuno sa 4SF Battalion si Abrajir Jamsuri alyas Radis na nasa ilalim ng ASG Sub leader Apoh Mike habang inaalam pa ang pag¬kakakilanlan ng isa pang nasawing bandido.
Una rito, ayon kay Sobejanar, isang kid¬nap victim ang pinalaya ng mga bandido ha¬bang na-rescue naman nila kamakalawa ng hapon si Blas Jackosalim Ahamad, residente n g Sitio Palar, Brgy. Gandasuli, Patikul, Sulu nang sumala¬kay ang mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3 na pinamumunuan ni Lt. Col. Ramil Holgado sa Sitio Budjang, Brgy. Libog Kabao, Panglima Estino. VERLIN RUIZ
Comments are closed.