2 SAYYAF TUMBA SA TROPA NG PAMAHALAAN

Arvin Encinas

TAWI-TAWI-PATAY  ang dalawang miyembro ng Abu Sayaf Group (ASG)  matapos ang  pinagsanib na operasyon ng militar at pulisya sa bayan ng Tandu-bas.

Ang mga nasawi ay nakilalang si Jul Haber na mas kilala sa alyas na Black Shabu at Toks gayundin si Kamsel Ampang

Ayon kay AFP Western Mindanao Command  Spokesman Major Arvin Encinas, nasawi ang dalawa sa Brgy. Taruk, kung saan nakipagbarilan sila sa mga sundalo at pulis na tumagal ng sampung minuto

Narekober sa dalawang nasawing bandido ang matataas na kalibre ng armas, granada, ilang pakete ng hinihinalang shabu at ilang drug para-phernalia.

Sinasabing sangkot ang dalawa sa iba’t ibang Kidnap for Ransom activities maging sa pagtutulak ng iligal na droga sa nabanggit na lugar at mga kalapit na lugar.

Dinala ang labi ng dalawa sa Tandubas Municipal Police Station upang mailibing nang maayos ng kanilang mga kamag anak. REA SARMIENTO

One thought on “2 SAYYAF TUMBA SA TROPA NG PAMAHALAAN”

  1. 4574 513672You created some respectable points there. I looked on the internet for the issue and identified most people will go along with with your website. 962693

Comments are closed.