2-SEATER PLANE BUMAGSAK: PILOTO PATAY, 1 PA SUGATAN

PATAY ang isang pilot instructor habang sugatan ang kanyang estudyante nang bumagsak ang sinasakyang Cessna 152 aircraft kaninang umaga sa Alaminos, Pangasinan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), pag-aari ng Fly Fast Aviation Academy ang nasabing training plane.

Kinumpirma rin ng aviation school ang pagkasawi ng pilot instructor na Capt. Daryl Uy, habang sugatan si Caran France Kaura.

Alas-8:22 ng umaga nang mag-take off mula sa Lingayen Airport ang nasabing eroplano para ana sa orientation flight subalit bigla itong bumagsak.

Agad namang idineploy sa crash scene ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board’s (AAIIB) Go Team para tumulong sa sanhi ng sakuna.

“More information is expected to follow upon the examination of the crash scene,” ayon sa CAAP. VERLIN RUIZ