2 SEKYU NASUGATAN SA ‘WATER TANK’

water tank

MAYNILA – SUGATAN ang dalawang security guard nang sumabog ang improvised water tank sa distrito ng Ermita noong Biyernes.

Sa pagsusuri, second degree burns ang natamo ni Ricky Gallego habang nasugatan sa paa ang kasamahan nito.

Ang mga biktima ay parehong guwardiya sa isang establisimiyento sa nasabing lugar.

Isang recycle plastic drum ang ginawang water tank na sumabog, ayon kay Police Lt. Col. Igmedio Barmaldez, Ermita Police Station commander.

Ang tangke ng tubig ay pinagdugtong ng mga biktima na dalawang plastic drum.

Gumamit sila ng lighter para uminit at lumambot ang isang drum upang mabilis na maidugtong ang isa pang plastic drum subalit sumabog ito.

Ayon sa Explosive Ordinance Disposal ng Manila Police District (MPD), ang mga drum ay mayroong fumes ng fruit extract distillate kaya sumabog ito nang mainitan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.