2 SEKYU TUMANGAY NG KAHON-KAHON FACE SHIELD-DE LATA KINASUHAN

SG

ISABELA-KASONG administratibo ang kakaharapin ng dalawang miyembro ng Provincial Security Group (PSG) matapos umaming kumuha sila ng  siyam na karton ng face shield at isang karton ng de lata sa binabantayan nilang Balai (guest house) Provincial Capitol sa Alibgau, Ilagan City ng lalawigang ito.

Ang dalawang suspek na hindi pa pinangalanan ay isang 26-anyos, residente ng Naguillian, Isabela at 25-anyos at residente naman ng lungsod ng Ilagan.

Sa imbestigasyon ng Ilagan City Police, idinaan umano ng mga suspek  sa bintana ang mga karton ng face shield at karton ng de lata ng nabanggit na guest house na nasa loob mismo ng  compound ng Kapitolyo ng Isabela.

Natuklasan ang naturang pagnanakaw nang mapansin ng ilang kawani na kulang ang mga karton na naka salansan sa loob ng Balai.

Agad nagtungo si Ret. Col. Basilio Dumlao, head ng PSG sa Ilagan City Police Station kasama ang ilang kawani ng Kapitolyo upang ipagbigay alam ang mga nawawalang item na umaabot sa halagang P20,000.

Ayon sa imbestigador na si  Cpl  Ace Valenzuela, ang tinangay umano ng dalawang suspek ay ipamimigay sana sa kanilang mga kamag-anak.

Bukod sa kasong qualified theft at kriminal ay nahaharap din sa kasong administratibo at maaring masibak sa serbisyo ang mga dalawang suspek. IRENE GONZALES

Comments are closed.