2 SENIOR CITIZEN NA MAY DUGONG PINOY ‘NAGTULAK’ SA HAWAII

Big Island

BIG ISLAND – KALABOSO ang da­lawang senior citizen na may dugong Filipino dahil sa umano’y ilegal na droga sa Big Island.

Nakilala ang mga ito na sina Cecilio Asuncion, 72, at si Edward Asuncion, 64.

Nahuli ang dalawang senior citizen bunsod ng operasyon ng awtoridad sa lugar at positibong nadiskubreng nagbebenta ng droga habang nakuha rin sa kanilang posesyon ang ilegal na gamot.

Ipinataw ang kaukulang piyansa sa dalawa para sa kanilang pansamantalang kalayaan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM