CAMARINES NORTE- TINATAYANG aabot sa mahigit kalahating milyon ang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-narcotics operation sa Daet sa lalawigan ito.
Sa ulat na ibinahagi ng Philippine National Police -Police Regional Office 5,kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Linda, 56- anyos, residente ng Happy Homes Fairview III, Purok-6, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte at alyas Rosa, 55-anyos, residente ng Purok-2, Barangay Mangcamagong, Basud ng nasabing lalawigan.
Ayon sa PNP-PRO 5 matapos ang isinagawang case build-up at ilang linggong surveillance stint ay ikinasa ang buy bust operation laban sa mga hinihinalang bigtime drug personalities sa area.
Nang kumagat sa bitag ang mga target ng buy bust operation ay agad na inaresto ang mga suspek na nakuhanan ng humigit-kumulang 115 gramo na nagkakahalaga ng P782,000.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.
VERLIN RUIZ