2 STAFF NG ISOLATION FACILITY NASAGASAAN NG AMBULANSIYA

SORSOGON- DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang staff ng isolation facility nang masagasaan sila ng ambulansiya sa bayan ng Juban.

Naganap ang insidentepasado alas-2 ng hapon noong Hulyo 25 sa tapat ng isolation facility para sa COVID-19 patient.

Kinilala ang mga biktima na si Nestor Habla at Celbert Grajo, parehong 23-anyos at residente sa lugar.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, sumakay ang isang driver sa nakaparadang ambulansiya malapit sa gate ng pasilidad nang bigla umanong umarangkada ang sasakyan pagbaba ng handbreak nito.

Sumalpok ito sa mga biktima na nag-aayos din ng kanilang motorsiklo sa parking area ng mga oras na iyon.

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan pero idineklara na silang dead-on-arrival.
Nagtamo rin ng minor injury ang isa pang staff member.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng ambulansiya.

7 thoughts on “2 STAFF NG ISOLATION FACILITY NASAGASAAN NG AMBULANSIYA”

  1. 604039 273277The vacation trades offered are evaluated a variety of in the chosen and basically very good value all about the world. Those hostels are normally based towards households which youll locate accented via charming shores promoting crystal-clear fishing holes, concurrent of ones Ocean. Hotels Discounts 889260

Comments are closed.