2 STUDES, 1 PANG DADALO SA PARTY NAAKSIDENTE

military truck

CEBU – TATLO katao kabilang ang dalawang estudyante ang itinakbo sa pagamutan nang  magtamo ng malubhang sugat matapos na bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang military truck sa Mandaue City kahapon ng umaga.

Sa ulat na ibinahagi ng Mandaue City Police Office, lulan ng isang passenger  van ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang para duma­lo sa Christmas party sa isang private school bandang alas-6:30 ng umaga.

Dahil sa lakas ng impact,  nagtamo ng malubhang sugat ang driver ng van na kinilalang si Romero Aurellos, 51-anyos, habang dalawang estudyante na sakay nito ang nasugatan din na kinailangang itakbo sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng Mabolo police, kapwa mabilis ang andar ng dalawang sasakyan.

Ayon kay Police Staff Sargeant Mark Lester Ca­libog, traffic police, ang military truck ay minamaneho ni Staff Sgt. Andres Rumbines na sinubukan namang huminto pero tinamaan pa rin ang likurang bahagi ng van.

Ang military truck ay may lulang mga sundalo na itinalaga sa Basilica Minore del Santo Niño para magbantay sa seguridad sa Misa de Gallo at pabalik na sana sa Camp Lapu-Lapu sa Barangay Apas. VERLIN RUIZ

One thought on “2 STUDES, 1 PANG DADALO SA PARTY NAAKSIDENTE”

Comments are closed.