NAALARMA si La Trinidad Mayor Romeo Salda sa pagtaas ng bilang ng estudyante na magpapakamatay na sinasabing ilan sa dahilan ay hindi makalabas ng bahay na nagresulta sa quarantine fatigue, desperado at isolated dulot ng COVID-19 pandemic.
Kabilang ang 13 -anyos na estudyante sa La Trinidad na sinasabing nag- suicide noong Pebrero 8 makaraang hindi nakapamasyal kaya desperado at dulot din ng pandemic restriction at pakikibaka sa school modules sa loob ng kanilang bahay.
Maging ang 14-anyos na estudyante rin sa nasabing bayan ay nag-suicide noong nakalipas na Linggo dahil na rin sa quarantine fatigue at desperadong hindi makalabas ng bahay sanhi ng restriction sa pandemya.
Hindi naman binanggit sa ulat ang tirahan at kung papaano nag-suicide ang dalawang estudyante dahil na rin sa pagiging pribadong insidente.
Makisimpatya at umapela naman si Mayor Salda sa kanyang mga kababayan lalo na sa mga magulang na magtulungan sa isa’t isa at labanan ang nararanasang depresiyon sa panahon ng pandemya.
“Sa araw-araw na pakikibaka sa kasalukuyang pandemya ay huwag ninyong bitiwan ang pag-asa kung saan hindi solusyon ang pagpapakamatay”, apela pa ng alkalde sa mga kabataan.
Kasabay nito, hinimok din ng alkalde ang mga magulang ugaliing makipag-ugnayan sa kanilang mga anak at bigyan ng oras sa kanilang problema at kung may nararamdaman anumang sintomas ng depresiyon na maaaring mauwi sa pagpapakamatay ay maari tumawag at makatulong ang Suicide Prevention hotlines sa 09178592657 at 09103436595. MHAR BASCO
Comments are closed.