2 STUDES NATAGPUANG NAKABIGTI

NATAGPUAN ang dalawang estudyante na pawang menor de edad nakabitin at wala nang buhay sa loob ng tanggapan ng isang eskwelahan kamakalawa ng Biyernes ng gabi sa Taguig City.

Ang dalawang estudyante ay isang 15-anyos, Grade 10 at 13-anyos, Grade 8, kapwa estudyante ng Signal Village National High School sa Taguig City.

Base sa inisyal na ulat ng Sub-Station 6 ng Taguig Police, alas-11 ng gabi nitong Biyernes nang matuklasan ang mga katawan ng dalawa na kapwa wala nang buhay sa loob ng Girl Scout Mini Office ng paaralan.

Ayon sa salaysay sa pulisya ng isang16-anyos na estudyanteng babae na huling nakita nitong buhay ang mga biktima dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi.

Aniya, nagsabi pa sa kanya ang mga biktima na uuwi na sila subalit nang magbukas siya ng messenger ay nabasa umano niya sa group chat account na hindi pa pala nakauwi ang dalawa kung saan dali-dali siyang nagpasiya na hanapin ang dalawa biktima.

At natagpuan ang mga biktima na nakabigti na sa loob ng naturang girl scout mini office.

Kaagad niyang inireport sa mga guwardiya na naka-duty ang nadiskubre kaya agad inireport sa pulisya ang naturang pangyayari.

Agad nag-trending sa social media matapos i-post ng pinsan ng isang biktima ang paghingi ng hustisya dahil hindi umano magagawa ng kanyang pinsan ang magpatiwakal.

“Uncooperative yung Signal Village National High School and wala daw CCTV na gumagana sa school. Please look into this DeEd Tapat-Division of Taguig City and Pateros DepEd Philippines and Mayor Lani Cayetano. My cousin was an honor student and part of the GSP. She’s at Grade 8, Gold Section. She will not dare kill herself,” nakapost sa social media.

Hinihintay ng pamilya ang resulta sa autopsy report para malaman ang tunay nangyari at kung nagpatiwakal o may naganap na foul play sa pagkamatay ng mga biktima. EVELYN GARCIA