2 SUB-VARIANTS NG OMICRON, HINDI DAPAT IKABAHALA – DOH

KINALMA ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa dalawang Omicron sub-variants na na-detect sa Africa at Europe.

Ayon sa DOH, hindi dapat ikabahala ang BA.4 at BA.5 sub-variants na na-detect na sa South Africa, Botswana, Belgium, Denmark at UK.

Bagama’t  nakapagtala ng kaso ang mga bansang nabanggit, hindi naman ito nagdulot ng surge sa kaso ng CO­VID-19.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na resulta sa huling genome sequencing sa Pilipinas kung may kaso na ng Omicron XE sa bansa. DWIZ882