LIMANG Russian naval vessels na kinabibilangan ng dalawang submarines mula Russian Pacific Fleet ang nasa Maynila ngayon para sa kanilang official port call sa Pilipinas.
Inihayag ni Philippine Navy Naval Public Affair Director Commander Benjo F Negranza na nasa Pilipinas ngayon ang Russian Navy na binubuo ng isang Corvette Gremyashchiy, dalawang Kilo type submarines, tanker Pechenga, at logistic and support vessel Alatau.
Nilinaw ni Negranza na nasa bansa ang mga barkong pandigma ng Ruso para sa kanilang routine port replenishment at pagpapahinga ng kanilang mga naval personnel.
“The arrival of the Russian contingent in the country and the accommodation and support being extended to them underscores the promotion of peace, stability, and maritime cooperation in the region, ani Negranza sa panayam ng Pilipino Mirror.
Magugunitang alam ng Russia na nagbabalak ang Department of National Defense na bumili ng submarines kaya nag inaalok ng Moscow ang kanilang Kilo—class conventional submarines sa Pilipinas.
Katunayan ay isa ito sa mga itinerary ng Philippine Navy Naval task Force 87 na silipin ang loob at instrumentation ng Kilo class submarines na magsagawa ang Pilipinas ng kanilang first historic port call sa Vladivostock, sa Russia na sinaksihan ng Pilipino Mirror reporter na ito.
Samantala, bago pa dumaong ang Russian naval vessels ay nakikipagsabayan na ang Philippine Navy sa
Japan’s Maritime Self Defense Forces sa pagsasagawa ng passing at maneuvering exercises sa Subic.
Sinalubong ng Philippine Navy Frigate na BRP Jose Rizal ang 2 Japan Maritime Self-Defense ships, ang JS Kaga (DDH-184), at JS Murasame (DD-101) isang helicopter carrier na maaring gawing aircraft carrier para sa F35 fighter jets.
Habang ang Philippine Army katuwang ang Japanese Ground Self-Defense Force ay inilunsad ang kanilang kauna unahang Japan-Philippines Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Training Exercise sa Mandirigtas Training Area, Fort Bonifacio, Taguig City. VERLIN RUIZ