ORIENTAL MINDORO-MAGKAHALONG galit at takot ang namayani sa hanay ng nagdadalamhating pamilya nang biglang tumaob ang karo na sinasakayan ng kanilang yumaong mahal sa buhay na ikinasugat ng dalawa katao sa bayan ng Pola sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Office na pinamumunuan ni Johnny Genabe, dalawa ang sugatan nang biglang tumagilid ang karo na patungong sementeryo.
Sa initial report, kaaalis pa lamang ng karo sa bahay na pinagburulan para są pagsisimula ng funeral procession nang biglang mawalan ito ng preno sa palusong na bahagi ng municipal road na sakop ng Barangay Puting Cacao.
Dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber kaya nagpasya itong ibinangga na lamang ang sasakyan sa puno na naging sanhi ng pagtagilid ng karo.
Nasaktan sa aksidente ang assistant ng funeral parlor at ang asawa ng ililibing gayundin nasira ang
ataul.
Bagaman nagkaroon ng aberya ay natuloy din ang libing ng matandang lalaki nang magpadala ang punerarya ng kapalit na karo. VERLIN RUIZ